Tumanggi ang korte na may hawak sa Maguindanao massacre case sa pagtatangka ng pangunahing suspek na i-reopen ang paglilitis sa pagpaslang sa halos 60 katao sa bayan ng Ampatuan, 10 taon na ang nakakalipas.
Ayon kay Quezon City Judge Jocelyn Solis-Reyes, ang mosyon na i-reopen ay maaaring isampa kung ang isa o magkabilang panig ay pormal nang nag-alok at isinara na ang paglalatag nila ng mga ebidensya bago ilabas ang hatol sa kaso at matapos ang promulgation subalit bago ang pinal na pasya sa nasabing kaso.
Una nang naghain ng mosyon si Datu Andal Unsay Ampatuan, Jr. para i-reopen ang paglilitis at suspindihin ang promulgasyon ng hatol sa nasabing kaso dahil sa kakulangan ng merito.
Ikinatuwiran ni Unsay sa kaniyang mosyon na tumawag sa kaniya si dating Vice Mayor Sukarno Badal ng Sultan sa Barongis para sabihing nais niyang bawiin ang naunang testimonya na pinlano ng Ampatuan Clan ang pagpatay sa mga biktima.
Mahigpit naman itong itinanggi ni Badal at nagsabing ginagamit siya ni unsay para i delay ang pag usad ng naturang kaso.
Sinabi ni badal na pinaninindigan niya ang kaniyang naunang testimonya laban sa mga Ampatuan.