(To be updated)
Tatlo ang lubhang nasugatan matapos madaganan ng cement mixer truck ang isang kotse sa tapat ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Mindanao Avenue, Quezon City.
Ito ang inihayag ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Spokesperson Celine Pialago sa panayam ng DWIZ.
Aniya, sa inisyal na report nila ay dumiresto muna ang mixer truck sa center island bago ito tumagilid.
Pagsasalarawan ni Pialago, napipit at pumutok ang gulong ng kotse dahil sa bigat ng truck ngunit hindi pa matukoy kung may lamang semento ito.
Dinala na ang mga biktima sa Metro North Hospital at Quezon City Hospital.
Patuloy namang minomonitor ang drayber ng kotse habang inaresto naman ang drayber ng mixer truck.
Samantala, patuloy pang inaalam ng otoridad kung bakit binabaybay ng tumagilid na mixer truck ang lugar kahit may umiiral na total truck ban.