Kung titingnan ay nakabibilib na malaman na ang isang bata ay natutong magmaneho sa murang edad.
Pero hahanga ka pa ba kung makasalubong mo ang isang bata sa Minnesota, USA na nagpapaharurot ng isang kotse sa isang in-appropriate na lugar?
Ano ang buong kwento, alamin.
Sa isang playground sa Minnesota, USA kung saan maraming bata ang naglalaro, makikita sa isang footage ang isang sasakyan na mabilis ang takbo at paikot-ikot sa loob nito.
Napag-alaman na sampung taong gulang na bata pala ang driver nito!
Ang problema, bukod sa wala pa ito sa tamang edad para makakuha ng lisensya, napag-alaman na nakaw ang nasabing sasakyan.
Agad namang inaresto ang bata at kinasuhan ng reckless driving at receiving stolen property.
Bukod pa riyan, napag-alaman din na inireklamo na rin ito noon nang pagnanakaw ng sasakyan.
Kaugnay nito, mabuti naman at walang nasaktan sa insidente.
Ikaw, anong masasabi mo sa pambihirang pangyayari na ito?