Inamin ni Senador Bam Aquino na bahagyang naapektuhan ang kredibilidad ng C.A. o Commission on Appointments dahil sa ipinatupad na secret voting.
Sa panayam ng programang “Balita Na, Serbisyo Pa”, sinabi ni Aquino na ito ang nag-udyok sa kanya para maghain ng resolusyon sa C.A. kahapon na humihiling na repasuhin o amyemdahan ang alintuntunin hinggil sa secret voting.
Sa harap na rin ito ng pagpuna ng ilan sa kawalan ng transparency sa ginawang botohan sa pagkakabasura ng C.A. sa appointment ni dating DENR Secretary Gina Lopez dahil hindi tugma ang bilang ng boto at ng mga inanunsyong boto ng Senador.
Si Aquino, na miyembro ng C.A. ay bumoto ng “yes” sa confirmation ni Lopez.
Kasabay nito, sinabi rin ni Aquino na wala siyang alam na may umikot na lobby money sa confirmation ni Lopez.
By: Meann Tanbio / BNSP