Humiling ang kapatid ng pinaslang na broadcaster na si Percival “Percy Lapid” Mabasa na magkaroon ng crime scene walkthrough sa confessed gunman na si Joel Escorial.
Ayon sa beteranong mamamahayag na si Roy Mabasa, nais niyang makipagkita kay Escorial upang masubukan ang kredibilidad nito para maalis ang kanilang agam-agam.
Magugunitang itinuro ng suspek ang tatlo pang kasabwat sa krimen na si Edmon at Israel Dimaculangan at isang alyas “Orlando”.
Aminado si Roy na nais nilang isalaysay ni Escorial kung paano isinagawwa ang karumal-dumal na krimen.
Bagama’t nagpapasalamat ang nakababatang Mabasa sa mga pulis na nakabantay sa labas ng bahay ng kanyang kapatid upang protektahan ang kanilang pamilya, iginiit niya ang mas mahigpit na seguridad.
Ito’y dahil hindi pa anya nahuhuli ang mastermind at iba pang suspek sa pagpatay sa kanyang kuya.