Pagdududahan at masisira na ang kredibilidad ni Pharmally Pharmaceutical Corporation Executive Krizle Grace Mago.
Ito ang inihayag ni Senator Koko Pimentel makaraanang panibagong pagsisiwalat ni magokaugnay sa pagbili ng gobyerno ng medical supplies mula sa Pharmally.
Una nang binaligtad ni Mago sa pagdinig ng kamara na “na-pressure” siya noong aminin sa senate hearing na nagantso nila ang gobyerno dahil sa pagpapalit sa expiry o production date ng mga face shield na ibinenta sa procurement service ng DBM.
Ayon kay Pimentel, magiging diskumpiyado na ang marami sa anumang sasabihin ng naturang opisyal ng Pharmally.
Dapat anyang tandaan na remote o online ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaya’t walang taga-senado o taga-kumite o Senador na nasa kinaroroonan ni mago kayat wala itong kaharap para i-pressure.
Naniniwala rin si Pimentel na kwestyunable ang rason ni Mago sa pagbaliktad nito na na-pressure siya dahil wala naman itong katabi o kaharap na taga-Senado noong sumagot sa tanong ng mga Senador.—sa panulat ni Drew Nacino mula sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)