Sumadsad ng 60% ang mga naitalang kaso ng robbery at theft o pagnanakaw mula nang ipatupad ng gobyerno ang community quarantine restrictions noong Marso dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Maliban dito, ayon kay Joint Task Force Covid Shield commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar, bumaba rin ng 46 percent nitong nakalipas na dalawang daang araw ang walong focus crimes tulad ng murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, at carnapped vehicles o motorcycles.
Ayon kay Eleazar, nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng 18,683 crimes mula March 17 hanggang October 2 ngayong taon na mas mababa sa 34,768 criminal incidents na naitala mula Aug. 30, 2019 hanggang March 16, 2020.
Samantala, sinabi ni Eleazar na mas paiigtingin pa ng PNP ang police visibility sa iba’t ibang lugar sa bansa.