Muling umagaw ng eksena ang queen of all media at first sister na si Kris Aquino sa isinasagawang APEC Summit.
Bukod kasi sa pagsalubong sa pagdating ni Mexican President Enrique Peña Nieto at pagsama sa ilang aktibidad nito tulad ng pag-aalay ng bulaklak sa monumento ni Rizal at state dinner sa Malakanyang…
Nagkaroon din siya ng pagkakataon na makakuha ng selfie kasama ang isa sa itinutring na world’s powerful leader.
Nagpost si Krissy ng blurred picture ng kanyang selfie habang nasa likod si US President Barrack Obama.
Sa caption ng larawan, sinabi ni Kris na nahuli siya ni President Obama na kumukuha ng selfie, pero game naman raw ang US President dito.
Isa si Kris sa mga dumalo sa APEC Leaders’ welcome dinner na ginanap sa Mall of Asia Arena kagabi.
By Krista de Dios