Binuweltahan ni Queen of all Media Kris Aquino ang isang netizen na nagpahayag ng negatibong komento laban sa kanya.
Sa video post ni Kris sinabi niya na nais niyang makatrabaho ang Pambansang Bae na si Alden Richards sa isang proyekto kung saan magiging mag–ina sila.
Sa comment section ng post ni Kris ay nagkomento ang naturang netizen kung saan sinabihan nito ang TV Host na alagaan na lamang ang mga anak.
Hinalungkat din nito ang mga naging karelasyon ni Kris at tinawag pa itong ‘majonda’ o matanda.
Pinagsabihan ni Kris ang basher na basahing maigi ang caption kung saan aniya ay sinabi niya na ang dream project niya ay maging ina ni Alden.
Samantala, ayon naman kay Alden, agad siyang nag – text kay Kris para magpasalamat sa mga magagandang sinabi nito.