Isang napakapayat na Kris Aquino ang nakita sa larawang inilagay ng Queen of All Media sa kanyang Instragram account.
Sa kanyang post, sinabi ni Kris na apektado na ang kanyang kalusugan dahil sa isang matinding problema na kanyang pinagdaraanan.
Nanganganib aniyang mawala ang lahat ng kanyang pinagpaguran at inipon para sa kanyang mga anak na sina Josh at Bimby kaya’t hindi siya nakakatulog at makakain sa pag-iisip.
Sinabi ni Kris na trinaydor at naging biktima siya ng kanyang partner sa negosyo at ang usapin ay iniakyat na nila sa korte.
—-