Binuweltahan ni Kris Aquino ang isang netizen na tumawag sa kanya na abnormal at hinalungkat pa ang kanyang nakaraan kabilang na ang pagkakaroon ng Sexually Transmitted Disease o STD.
Tugon ni Kris sa naturang basher na hindi niya kailanman itinago ang kanyang nakaraan.
Payo pa ni Kris sa naturang basher, hindi naman sila personal na magkakilala kaya mas mainam na wag na lang siyang pansinin.
Samantala, ipinagtanggol naman si Kris ng kanyang mga taga-suporta.
By: Avee Devierte