Naging emosyonal ang aktres na si Kris Aquino isang buwan matapos ang kanyang pagbabalik sa online world.
Sa kanyang bagong post sa social media, inalala niya ang inang si dating pangulong Cory Aquino.
Ayon sa aktres, ito na ang ika-12 taon na pagpanaw ng ina kasabay naman ng ika-40 araw ng pagpanaw ng kanyang kapatid na si dating pangulong Noynoy Aquino.
Aniya, masakit pa rin ang pagpanaw ni PNoy kaya hindi sya nakakapag-update tungkol sa lagay ng kanilang pamilya kahit sa Instagram.
Sa kabila nito, lubos ang pasasalamat ng Queen of All Media sa publiko sa patuloy na pagbuhos ng pakikiramay sa kanilang magkakapatid. —sa panulat ni Rex Espiritu