Nagpasalamat ang tinaguriang Queen of All Media na si Kris Aquino kay Special Assistant to the President Christopher Bong Go.
Ito’y makaraang iparating ni Go ang paghingi ng paumanhin ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Kris matapos ang naging banat laban sa kaniyang mga magulang ni Presidential Communication Operations Office Asec. Mocha Uson.
Ayon kay Kris, gumawa siya ng paraan upang maiparating kay Go ang kaniyang pasasalamat dahil sa pang-unawa nito sa kaniyang saloobin.
Magugunitang nagbulalas sa social media si Kris nang gamitin ni Uson ang video ng paghalik ng isang babae sa kaniyang amang si dating Senador Ninoy Aquino para ikumpara sa paghalik naman ni Pangulong Rodrigo Duterte sa labi ng isang Pinay sa South Korea kamakailan.
—-