Ipinahiwatig na ni Kris Aquino na posible na siyang ma-in love muli ngayong 2017.
Ito ay matapos mag-post si Kris sa kanyang Instagram account ng isang relo kasabay ang pagbahagi sa naging takbo ng aniya’y nakakatuwang pag-uusap nila ng anak na si Bimby kung sino ang nagbigay ng nasabing relo.
Ayon kay Kris, tinanong ni Bimby kung sino ang nagbigay ng relo at bago pa man niya sagutin ay kaagad sinabi ng anak na nais niyang protektahan ang kanyang ina.
Sinabi ni kris na mismong nanggaling sa bibig ni Bimby ang mga katagang ” If he breaks your heart can i shoot him? ” na sinagot naman niya kaagad na ” baril agad bimb? Can’t you just punch him? “
Ayon pa sa bunsong anak ng host actress …”okay but if he hurts you, ill beat him up because you’re my mom and I should protect you.”
Kaakibat ng post na ito ang mga hashtag na “my night in shining armor” at “bawal ma-heartbroken”
Kaagad namang itinanggi ni Kris na galing kay Mayor Herbert Bautista ang nasabing relo dahil nananahimik na aniya ang alkalde at hayaan na lamang aniya itong mamuno ng may kapayapaan sa puso.
By Judith Larino