Pumihit si Kris Aquino sa kanyang naging galit kay Presidential Communications Group Assistant Secretary Mocha Uson.
Kasunod ito ng pagbulalas ni Kris ng kanyang galit kay Mocha dahil sa ipinalabas na video ng kanyang amang si Senador Ninoy Aquino na humahalik din sa mga babae tulad ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa instagram post ni Kris, kanya umanong ni-reexamine ang kanyang naging reaksyon sa inilabas niyang video at natanto na kung naririto pa ang kanyang mga magulang ay malamang na hindi nila ito magugustuhan.
Aniya, kung iisiping mabuti, hindi naman si Mocha kundi may iba pang makikinabang kung babastusin ang demokrasyang nai ambag ng kanyang mga magulang.
Maari aniyang ginamit lamang si Mocha at hindi ito ang siyang mastermind sa paggamit sa kanyang mga magulang.
Sa huli, sa halip na awayin ay tila nakisimpatya pa si Kris kay Mocha sa pagsasabing naiintindihan niya kung bakit ito ginagawa ng opisyal.