Mananahimik muli sa Social Media ang tinaguriang Queen of all Media na si Kris Aquino
Ito ang pinakabagong post ni Kris sa kaniyang facebook account dahil kinakailangan umano nitong gumaling
Sa ngayon, nakatuon ang kaniyang atensyon sa pag-aalaga sa mga anak na sina Joshua at Bimby
Dahil dito, tanging ang mga endorsements lamang muna ang aatupagin ni Krissie at hindi lamang nakahiga dahil sa sakit
Magugunitang may iniinda umanong karamdaman si Krissie subalit hindi naman niya isinasapubliko kung ano iyon