Humingi ng paumanhin ang aktres na si Kris Aquino matapos na mag-post ng sama ng loob at banatan ang TV host na si Korina Sanchez.
Sa kanyang Instagram post, nag-sorry si Kris sa mga nasagasaan ng kanyang paglalabas ng sama ng loob.
Ayon kay Kris, alam niyang nagkaroon siya ng mga kaaway at nakasakit din ng damdamin dahil sa mga binitiwang salita.
Humingi rin ng sorry si Kris partikular sa kanyang kapatid na si dating Pangulong Noynoy Aquino, kay Pangulong Rodrigo Duterte at dating Senador Mar Roxas matapos na mabahiran din ng pulitika ang kanyang inilabas na hinaing.
Kasabay nito humingi naman ng pang-unawa si Kris sa ginagawa at sinabing isa lamang siyang ina na handang lumaban para sa anak.
Una rito ay nag-post ng sama ng loob si Kris matapos itampok sa programa ni Korina Sanchez ang dating mister na si James Yap at kasalukuyang pamilya nito kung saan kanyang sinabi na maituturing itong sampal sa kanyang mukha.
Isinumbat din dito ni Kris ang pagsuporta sa kandidatura noon ni Mar Roxas na asawa naman ni Korina.
—-