Trending ngayon sa social media ang isang video kung saan hiningan ng reaksyon ang Queen of all Media na si Kris Aquino kaugnay sa naging transformation ni Marlou Arizala na ngayo’y si Xander Ford na.
Sa umpisa ng video, inamin ni Kris na wala itong ideya kung sino si Xander Ford at tinanong ang mga reporter kung sino ito.
Kasunod nito, ipinakita ng mga reporter kay Kris ang larawan ni Xander Ford, noong bago pa ito operahan at pagkatapos.
Matapos ipakita ang larawan kay Kris, tinanong nito ang mga reporter kung ano ang kaibahan ni Xander Ford sa noon at ngayon dahil hindo umano niya makuha ito.
Sa huling bahagi ng video ay humingi ito ng paumanhin at eksplenasyon.
PANOORIN:
Video Credit: Paolo Enrico Paquiz / Philippine Star