“Ayaw na sa akin ng ABS-CBN”
Ito ang katotohanang isinagot ni Kris Aquino sa mga fans na hiling na bumalik siya sa kanyang dating home network.
Sa Instagram photo ni Kris kasama ang kanyang dating head writer na si Darla Sauler, marami sa kanyang tagahanga ang nag-komento na nakikiusap na sana’y muli niyang buhayin ang kanyang career sa ABS-CBN.
Sinagot naman ito ni Kris na: “Heartwarming sentiments but ABS-CBN no longer wants me.”
Matatandaang natapos ang exclusive contract ng TV host sa network noong March 23, 2016 at matapos nito’y panandaliang nagpahinga at bumiyahe kasama ang kanyang 2 anak.
Inanunsyo rin ni Kris ang tuluyang pag-alis sa home network at ang pagpirma naman ng kontrata sa APT Entertainment.
Nitong nakaraang buwan lang ay lumabas sa isang endorsement si Aquino, at para sa kanyang TV comeback nitong Biyernes ay binigyan siya ng hosting stint sa isang business forum sa Davao City kung saan makakapanayam sana niya ang Pangulong Duterte na hindi nakadalo dahil sa migraine attack.
Photos: Screengrab from krisaquino /Instagram