Pinabibilib ni Kris Bernal ang beteranang aktres na si Elizabeth Oropesa.
Kaugnay ito sa akting ni Kris sa serye niyang Impostora sa GMA 7.
Ayon kay La Oropesa, magaling si Kris sa pag-arte nito sa nasabing serye bilang Nimfa at Rossette.
Sinabi ni Elizabeth na parang may pinaghuhugutan si Kris sa buhay sa kakaibang akting sa nasabing serye.
Si La Oropesa ay gumaganap bilang Denang, ang adoptive mother ni Nimfa.
Kasabay nito, natutuwa si La Oropesa na napabilang siya sa nasabing cast kung saan pawang mga first time pa lang niyang makakasama ang maraming miyembro ng cast tulad ni Kris na pawang magagalang.
Samantala, 2010 sa seryeng beauty queen na pinagbibidahan ni Iza Calzado huling napanood sa Kapuso channel si La Oropesa.
By Judith Estrada – Larino