Muling nagpasaklolo sa Court of Appeals (CA) ang salutatorian na si Krisel Mallari.
Ito’y matapos tumanggi ang Sto. Niño Parochial School na ibigay ang certificate of good character ni Mallari sa kabila ng naging kautusan ng Apelate Court.
Sa 11 pahinang very urgent motion, hiniling ng kampo ni Mallari na patawan ng indirect contempt at pagpapalabas ng bench warrant laban sa mga opisyal ng naturang eskwelahan at school registrar Yolanda Casero dahil sa pagsuway sa kautusan ng CA.
Nabatid na kailangan ni Mallari ang certificate of good moral character para makapasok sa UST o University of Santo Tomas kung saan nakatakda nang magbukas ang klase sa Lunes, August 3.
By Meann Tanbio | Bert Mozo (Patrol 3)