Nangako na ng $1-B ang International Community bilang tulong sa pagbangon ng Afghanistan sa gitna ng nagbabadyang matinding kahirapan at taggutom sa bansa.
Ayon kay UN Secretary-General Antonio Guterres, sa ngayon ay aabot pa lamang sa $606-M ang nalilikom bilang financial at humanitarian aid sa Afghanistan.
Kabilang anya sa mga nag-ambag at nag-alok ng tulong ang US, France, China at Pakistan.
Sa pagbabalik-kapangyarihan ng grupong Taliban, tinaya ng UN-World Food Programme sa 14-M katao ang nanganganib magutom na maaaring magresulta sa paglala ng humanitarian crisis.
Sa nakalipas na dalawang dekada ng digmaan, kalahati ng populasyon o 18-M Afghan ang umaasa sa ayuda ng International Community partikular mula sa mga Western Country. —sa panulat ni Drew Nacino