Binigyang diin ng Federation of Free Farmers Cooperative Intcorporated (FFFCI) na mas titindi pa ang krisis sa bigas sa bansa ngayong taon.
Ito ayon kay FFFCI National Manager, Raul Montemayor ay dahil hindi sasapat ang produksyon ng bigas sa bansa para sa higit isang milyong toneladang kinokonsumo kada buwan.
Inihayag din ni Montemayor na maaring magkaproblema sa importasyon dahil sa mataas na presyo ng bigas sa pandaigdigang merkado.
Dahil dito, nanawagan ang opisyal sa publiko na magtipid at huwag magsayang ng bigas. – sa panunulat ni Maianne Dae Palma