Ramdam pa rin sa Zamboanga City ang krisis sa bigas sa kabila ng pagpasok ng supply mula sa Metro Manila at mga karatig lalawigan.
Bagaman nasa 63 pesos pa rin kada kilo ang presyo ng commercial rice sa mga palengke sa Zamboanga, posibleng abutin ng ilang buwan bago tuluyang bumaba ang presyo ng bigas hangga’t hindi bumabalik sa normal ang supply.
Nangako naman si Agriculture Secretary Manny Piñol na may darating pang 132,000 metric tons na rice supply sa Zamboanga Peninsula at Basilan, Sulu at Tawi-Tawi bukod pa sa 180,000 sacks mula sa National Food Authority.
Gayunman, nilinaw ni Zamboanga City Vice Mayor Cesar Ituralde na short-term solution lamang ang nasabing hakbang dahil mas kailangang maging self-sufficient sa bigas ang lungsod.
—-