Naghain na ng resolusyon ang Makabayan bloc sa mababang kapulungan ng Kongreso para maimbestigahan ang nangyayaring krisis sa bigas sa Zamboanga City.
Sa inihaing House Resolution number 2120 sa House Committee on Agriculture nina Anakpawis Representative Ariel Casilao; Bayan Muna Representative Carlos Zarate; ACT Teachers representatives Antonio Tinio at France Castro; Gabriela representatives Emmi de Jesus at Arlene Brosas at Kabataan Partylist Representative Sarah Jane Elago, nais nilang mabusisi kung ang ukol sa mga binukbok na bigas na mula sa mga inangkat ng pamahalaan.
Maliban dito, nais din ng mga naturang mambabatas masilip ang umano’y ilegal na paggamit sa P5.1 billion na pondo ng National Food Authority na isiniwalat ng COA.
Matatandaang isinailalim sa state of calamity lungsod ng Zamboanga matapos na pumalo ng hanggang P70 ang kada kilo ng bigas doon.