Nagbanta ang farmers group na Federation of Free Farmers na lulubha ang krisis sa bigas sa susunod na taon.
Ito ang binigyang diin ni FFF National Chairman Raul Montemayor bunsod ng patuloy na pagtaas ng halaga ng retail price ng bigas kahit na panahon ng anihan ng palay sa bansa.
Ayon sa opisyal, makakaranas ang Pilipinas ng kakulangan ng suplay ng bigas sa buwan ng Pebrero at Marso sa susunod na taon.
Anya, kahit may peak palay harvest season simula October 2024 ay mayroong magaganap na pagtaas sa retail price ng bigas dahil hindi marami ang ani ng palay ng mga magsasaka ngayon.
Gayunman, umabot sa ₱58 ang kada kilo ng imported well-milled rice habang ₱69 ang kada kilo ng imported premium rice at ₱65 kada kilo ng imported special rice.