Walang saysay ang ginagawang hakbang para paunlarin ang kalusugan ng tao kung hindi bibigyang pansin ang climate change at kapakanan ng mga hayop.
Ito ang binigyang diin ng World Health Organization (WHO) matapos sabihin nito na ang hindi pa nagtatapos ang krisis kaugnay ng coronavirus disease.
Ayon kay Adhanom Ghebreyesus, hindi matatapos ang problema ng mundo sa COVID-19 kung hindi natututo ang buong mundo sa malaking epekto ng pandemya hindi lang sa buhay kundi maging sa kabuhayan ng mga tao.
Giit pa ng opisyal, malaki kasi aniya ang nai-aambag ng climate change at kapabayaan sa wildlife sa paglaganap ng sakit kaya’t walang saysay ang P1 bilyung inilaan ng bawat pamahalaan para palakasin ang kanilang healthcare system.