Nakakaranas ng water at power crisis ang Venezuela matapos na mawalan ng supply ng tubig at kuryente ang milyun-milyong residente rito.
Nagdeklara na si President Nicolas Maduro ng tatlumpung (30) araw na power rationing at pagsasara ng mga paaralan dahil sa lumalalang krisis sa ekonomiya ng bansa.
Una nang isinisi ni Maduro na bahagi ng pananabotahe sa kanyang pamumuno ang serye ng power outages na nararanasan mula Marso.
Dahil sa power interruptions at water crisis, nagprotesta ang maraming residente sa caracas.
Naapektuhan ng supply ng tubig dahil hindi gumana ang pumping stations dahil sa kawalan ng kuryente na nagbunsod din sa hindi paggana ng traffic lights, street lights, pump at fuel stations at network services.
Nagtitiyaga na lamang ang mga residente na makakuha ng tubig sa mga gutter, spring water tank, tanker at Guiare river.
—-