Ibinabala ng International Rice Research Institute o IRRI na posibleng maulit ang pandaigdigang krisis sa pagkain.
Ito’y ayon sa IRRI ay bunga ng epekto ng El Niño na siyang bahagi lamang ng nararanasang climate change sa mundo.
Partikular na tinukoy ng IRRI ang sobra-sobrang pagtaas sa presyo ng bigas dahil sa kakulangan sa suplay nito dulot ng mga tuyong taniman o bukid.
Dahil dito, sinabi ng IRRI na kinakailangannang kumilos ng iba’t ibang bansa lalo na sa rehiyon ng Asya Pasipiko na pinagmumulan ng bultu-bultong suplay ng pagkain sa mundo.
Huling naranasan ng mundo ang krisis sa pagkain noong 2007 at 2008 kung saan, halos 300 prosyento ang itinaas ng international trading price para sa bigas.
By Jaymark Dagala