Isang hamon sa susunod na administrasyon ang malawakang gutom at ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa merkado.
Ito ay ayon kay senator Francis “Kiko” Pangilinan dahil hindi lang aniya presyo ng gasolina ang apektado ng kasalukuyang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine dahil malaking problema ito sa food security sa ating bansa.
Binanggit din ni Pangilinan ang inilabas na ulat ng UN Food and Agriculture Organization kung saan itinigil na muna ng dalawang bansa ang pag-e-export ng wheat at corn.
Dahil dito, iminungkahi ni Pangilinan sa susunod na administrasyon na tutukan ang problema ng gutom sa pamamagitan ng pagpapatibay sa sektor ng agrikultura sa bansa.