Naka-amba na muling magkaroon ng krisis sa tubig kasunod ng pagsadsad ng antas ng tubig sa Angat Dam.
Ayon sa monitoring ng PAGASA HydroMet, naitala ang 164.02-meters ang water level ng Angat Dam kahapon alas-6 ng umaga.
Babala ng Manila Water at Maynilad, kapag sumadsad na 160-meters o ang kritikal na water level ay posible silang magpatupad ng panibagong rotational water interruption.
Pinaghahandaan na aniya ng dalawang water concessionaire ang pagpo-proseso ng mas maduming tubig na magmumula sa low-level outlet.
Samantala, siniguro naman ng National Water Resources Board na walang bawas sa alokasyon ng Maynilad at Manila Water mula sa Angat Dam hanggang Hulyo.