Posibleng magtagal pa hanggang sa 2020 ang nararanasang krisis sa tubig.
Ito ang nagkakaisang pahayag ng mga opisyal ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at National Water Resources Board (NWRB).
Ayon kay MWSS Administrator Emmanuel Salamat, kailangan talagang maghanap ng bagong pagkukunan ng tubig dahil mahirap dumepende na lamang sa dami ng ulan na mapupunta sa mga dam.
Samantala, ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David Jr., masyado pa ring mababa sa ngayon ang lebel ng tubig sa mga dam lalo na sa Angat na halos kaka-angat pa lamang mula sa critical level.