Natakdang talakayin sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang kakulangan sa suplay ng tubig sa Metro Manila sa Martes kasabay ng patuloy na pagbaba ng antas ng tubig sa Angat Dam.
Mismong si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang pagpatawag ng hearing matapos na mabanggit ang water shortage ni Local Water Utilities Administration Acting Administrator Jeci Lapus sa isang hearing.
Kabilang sa inaasahang dadalo sa magiging pagdinig ang mga opisyal ng Metropolitan Waterworks and Sewerage Systems, National Water Resources Bureau, IWUA, National Irrigation Authority, Department of Agriculture, Department of Budget and Management, Department of Environment and Natural Resources, NEDA, Maynilad, Manila Water at iba pa.
Kahapon, naitala ang 159.43 meters na sukat sa Angat Dam na mas mababa sa critical level nitong 160 meters.