Hinimok ni PNP Chief Oscar Albayalde ang amnesty international at iba pang kritiko na tingnan ang positibong anggulo ng kampanya kontra iligal na droga.
Sinabi ni Albayalde na dapat tingnan ang katapatan sa pagsasagawa ng anti-drug operations.
Tiniyak muli ni Albayalde na hindi kinukunsinti ng PNP ang mga aniya’y umaabusong otoridad sa mga police operation at kinakastigo nila ang mga ito na kadalasan ay ikinukulong pa.
Magugunitang tinawag ng London based human rights group ang lalawigan ng Bulacan bilang bloodiest killing field sa bansa dahil sa dami ng mga naitalang drug related killings.
with report from Jaymark Dagala (Patrol 9)