Itinanggi ni Senador Panfilo Lacson ang mga akusasyon na isang uri ng kudeta laban kay Senate President Koko Pimentel ang pagpapahayag nila ng suporta kay Senate Majority Floor Leader Tito Sotto bilang susunod na Senate President.
Ayon kay Lacson, ilan sa dahilan ng pagpapalit ng liderato sa Senado ay ang kawalang aksyon ni Pimentel sa mga batikos ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa Senado at hinaing ng ilang miyembro ng PDP-Laban sa local level.
Hindi naman ito overnight na pinag-usapan kaya nga walang kudeta na mangyayari sa liderato ng Senado. Kombinasyon na rin ito ng maraming insidente in the past. May kasabihan sa pulitika na “All politics is local”, bumabanat ‘yung speaker ng House sa Senado na mabagal makipagtulungan, gusto nila may marinig din sila sa mismong lider ng Senado, hindi kasi confrontational si Senate President. Pahayag ni Sen. Lacson
Asahan na rin aniya ang pagpapalit ng ilang committee chairmanship lalo’t si Sotto ang majority floor leader.
Samantala, bagaman hindi maiiwasan ang mga batikos lalo’t hindi naging abogado at karamihan sa mga naging Pangulo ng Senado ay practicing lawyer, ipinunto ni Lacson na isa sa mga naging batayan para piliin si Sotto ay ang mahaba nitong karanasan.
May mga bumabatikos, pero alalahanin nila na napakatagal na ni Sen. Sotto sa Senado at sa public service. Kaya huwag sanang tawaran ‘yung kanyang kakayanan. Ni minsan hindi trinabaho ni Sen. Sotto na maging Senate President, kundi siya ‘yung napili ng mayorya na iluklok bilang Senate President. Paliwanag ni Sen. Lacson
Sen. Poe tiwala na malaking bentahe ang karanasan ni Sen. Tito Sotto upang pumalit kay SP Pimentel
Kumbinsido si Senador Grace poe na malaking bentahe ang mahabang karanasan ni Senate Majority Floor Leader Tito Sotto bilang mambabatas upang pumalit kay Senate President Koko Pimentel.
Ayon kay Poe, naniniwala rin siya sa unifying factor o kakayahan ni Sotto na pagkaisahin ang Senado lalo’t siya ang pinaka-senior sa mataas na kapulungan ng Kongreso.
Never ‘yan nag-aabsent, parating on time, alam na niya ‘yung rules ng Senado. Talagang gamay na niya at higit sa lahat, si Tito Sen, he brings the Senate together, dahil sa kanyang personalidad. Kahit papaano may sense of humor siya. Pahayag ni Poe
Umaasa naman si Poe na magiging maayos ang transition ng liderato ng Senado dahil wala namang indikasyon na kontra si Pimentel.
Bigyan din natin ng acknowledgement si Sen. Pimentel, kasi para naman sa kanya maluwag niyang pinapaubaya sa mayorya kung ano ang magiging d esisyion jila, hindi naman siya kumukontra. Paliwanag ni Poe