Naglabas ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng larawan at wanted poster ng sinasabing Person of Interest sa pagkamatay ng broadcaster na si Percival Lapid noong October 3 sa Las Piñas City.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Pol. Col. Restituto Arcangel deputy district director for operations na nakita sa pamamagitan ng pag-backtrack ng CCTV footages ang naturang person of interest.
Kumpiyansa naman aniya ang mga otoridad na ang taong nasa CCTV ay ang Person of Interest. —sa panulat ni Jenn Patrolla