Kulang at mahina ang naging diskarte ng gobyernong Duterte sa isa sa pinakamalaking problema ng Metro Manila, ang traffic na inasahan sanang mareresolba rin agad ng ihalal si Pangulong Rodrigo Duterte bilang Pangulo.
Ito ang naging pahayag ni Sen. Grace Poe, nang sisihin ang kongreso sa diumano’y mabagal na usad ng pagbibigay sa pangulo ng emergency powers para masolusyunan ang bangungot na trapik.
Si Poe ang chairperson ng senate committee on public services na duminig sa panukalang pagbibigay ng emergency powers sa Pangulo upang masolusyunan ang problema sa trapik.
Aminado ang Senadora na kailangan ang emergency powers upang maging mabilis ang pagresolba sa problema ng trapiko.
Subalit marami naman umanong paraan at solusyon na maaaring gawin na hindi kailangan ng emergency powers kahit pansamantala at habang wala pa ito.
By: Mariboy Ysibido