Sinita ni Cong. Roman Romulo ang anya’y nakakalito at kulang-kulang na messaging ng Department of Education (DepEd) at Malacañang sa pagbubukas ng klase.
Tinukoy ni Romulo ang announcement ng DepEd na magsisimula ang pasukan sa August 24 at ang pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na magsisimula na ang enrollment sa June 1.
Ayon kay Romulo, marami ang nalilito dahil wala namang detalye ang mga announcements paano ang proseso ng enrollment at klase lalo na sa mga malalayong lugar.
Kaya siguro napwersa na rin ang pangulo na magdeklara mismo ng ‘no face-to-face [classes]’ hanggang may vaccine. Kasi kung matatandaan niyo po, bago dumating ang deklarasyon na ‘yon, ang DepEd laging binabanggit, August 24 ang simula ng academic calendar, pero hindi nila pinapaliwanag na ang plano naman po nila ay wala naman talaga gface-to-face na mangyayari sa mga lugar na may high o medium risk [sa COVID-19],” ani Romulo. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas