Kulang na mga ebidensya at mga usaping teknikal.
Ito ayon kay political analyst Professor Ramon Casiple ang problema sa mga reklamong dayaan partikular nitong nakalipas na midterm elections.
Gayunman, sinabi sa DWIZ ni Casiple na posibleng may dayaan subalit hindi ito aniya dahil sa automation.
Ang problem dito, maraming usaping teknikal, pero ang humaharap DOST tyaka DICT. Pinapaliwanag naman nila ‘yung lahat nung nilabas na, what is supposed to be evidence, e, wala naman. At ito nga, lumitaw na ‘yung random manual audit, 99.99% daw accuracy. Posibleng may mga dayaan, e, sa mga lokal na lugar, pero hindi dahil sa automated election system,” pahayag ni Casiple.
Binigyang diin pa ni Casiple na maniobra sa proseso ang nakikita niyang pinagmumulan ng mga dayaan sa tuwing nagkakaroon ng halalan.
Kadalasan it has to do with registration ng mga fake voters o kaya mga maniobra sa proseso. Ang sigurado d’yan, pag may dayaan, dahil may human intervention at those point na may contact o may access ‘yung tao sa proseso including programmers syempre, do’n ‘yan,” dagdag pa ni Casiple.
Balitang Todong Lakas Interview