Lumabas sa imbestigasyon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na pagkakaroon ng plankton ang dahilan ng pagkulay pula ng bahagi ng isang dagat sa Iloilo.
Sa isang pahayag, sinabi ni BFAR Region 6 Director Engr. Remia Aparri na ang naturang pangyayari ay maituturing na natural phenomena at walang dapat ikabahala.
Dagdag pa ni Aparri na sa tuwing nagkakaroon ng plankton sa mga katubigan ay naturang lang na magpalit-palit ang kulay na tubig gaya ng kulay berde, pula, dilaw, at brown.
Kasunod nito, binigyang linaw ng BFAR Region 6 na kusang mawawala ang plankton pero habang nariyan pa ay kailangan munang iwasan ang pangingisda at paliligo sa na apektuhang bahagi ng karagatan.