Nanawagan si Joven Ong ang Presidente ng Philippine Fireworks Association, na huwag kitilin ang kultura ng mga Pilipino tuwing ginugunita ang pagsalubong ng bagong taon.
Kasunod ito ng tuluyang pag-ban sa paggamit ng iligal at ipinagbabawal na paputok sa bansa.
Sa eksklusibong panayam ng DWIZ, sinabi ni Ong na isa sa mga tradisyon ng mga pilipino ang paggamit ng paputok.
Nilinaw naman ni Ong, ang ipinatupad na executive order no. 28 na ipinatupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay sa pinagkaiba ng paggamit ng pyrotechnic at firecrackers.