Ibinida ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mayamang kultura ng Pilipinas sa pamamagitan ng inorganisang guided tour para sa mga ambassador na nakatalaga sa bansa.
Tinanggap ang mga ambassador sa Goldenberg Mansion, dating Presidential guest house.
Inilibot sila sa exhibits ng katabi nitong Teus Mansion, isang 19th-century home na kasalukuyang kinalalagyan ng Presidential Museum at nagsisilbing “treasure trove” ng Philippine history.
Nagpatuloy ang tour sa Bahay Ugnayan kung saan makikita ang “Road to Malacañang”, isang exhibit na nagtatampok sa buhay ni Pangulong Marcos mula pagkabata hanggang sa pagiging pinuno ng Pilipinas.
Bukas sa publiko ang tatlong historic homes na nagsisilbi bilang museums.
Samantala, nagkaroon din ng surprise visit ang mga ambassador sa newly-restored Laperal Mansion. Nakatakda itong maging official presidential guest house para sa mga pinuno ng ibang bansa.