Pinasinungalingan ng Social Weather Stations o SWS ang umano’y survey sa panahon ng Abril 29 hanggang Mayo 2, 2016.
Kaugnay ito ng naglipanang survey sa nasabing panahon na umiikot sa social media ngayon.
Sa mismong website ng SWS na sws.org.ph pinaalalahanan nila ang publiko na maging maingat sa anila’y mga peke at hindi totoong SWS survey reports na naglalagay pa ng kanilang logo.
Hinikayat din nito ang lahat na bumase lamang sa kanilang website para sa opisyal na agenda at public reports nito.
By Allan Francisco