Pinabulaanan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang kumakalat na text message na ititigil na ang paggamit ng P20 bill simula sa Disyembre 31, 2021.
Nilinaw ni BSP Governor Benjamin Diokno na ligal pa rin ang paggamit ng P20 bill sa mga transaksyon kahit tinanggal na ito sa circulation o hindi na gumagawa ng mga banknote nito.
Bagaman ang P20 na papel ang pinaka-ginagamit na denominasiyon sa sirkulasyon ng pera sa bansa, dapat anyang ma-re-circulate ang mga P20 coin na itinatabi ng ilang tao sa kanilang mga para sa kanilang savings.
Disyembre 2019 nang ilabas ng BSP P20 barya kung saan nakaukit sa isang panig nito si dating Pangulong Manuel Quezon, habang ang BSP logo, Malakanyang at nilad plant sa kabila. —sa panulat ni Drew Nacino