Walang katotohanan na sasailalim ang Metro Manila sa dalawang ‘circuit breaker’ lockdown ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
Ito ang nilinaw ng palasyo kasunod ng kumakalat na text messages na sasailalim umano sa lockdown ang Metro Manila magmula Marso 22 hanggang Abril 4.
Matatandaang ilang lungsod na sa Metro Manila ang nagpatupad ng granular lockdown bunsod ng pagsiba ng kaso ng COVID-19 sa nasasakupang lungsod.— sa panulat ni Agustina Nolasco