Nagbabala sa publiko ang Department of Health (DOH) kaugnay sa kumakalat na impormasyon sa social media tungkol sa pagbebenta ng organs.
Ayon sa DOH, walang kaugnayan sa iligal na organs donations ang mga ospital sa bansa dahil dumaraan sa ligal, ligtas at boluntaryong ang kanilang mga programa.
Nanawagan naman ng tulong ang DOH sa kanilang mga partner stakeholders at sa media upang mapagilan ang pagkalat pa ng fake news.
Hinimok din nito ang publiko na iwasang maniwala sa nakikita sa social media at tanging sa DOH facebook page at website lamang kumuha ng impormasyon.