Posibleng nagmula sa ibang bansa ang promotor ng kumakalat na personalized text scams at unsolicited text messages.
Ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT), nakikipagtulungan sila sa mga international counterpart nito para matukoy ang internet protocol o IP address ng mga server na sangkot sa text scam.
Giit ng DICT, kakailanganin ang malawakang imbestigasyon hinggil sa naturang isyu dahil nangyayari rin ito sa ibang bansa.