Tikom ang bibig ng ang militar sa lumabas na video sa social media ng isang hostage umano ng Maute group na humihingi ng tulong kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines o AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, beberipikahin muna nila ang nasabing video.
Makikita sa naturang video ang isang nagpakilalang pari sa pangalang Rev. Father Teresito Suganob na makikitang nakatayo sa isang kanto na napaliligiran ng mga kongkretong bahay na tila winasak ng mga putukan.
Ayon sa nagpakilalang bihag na pari, nasa 240 silang prisoners of war ng Maute at may mga kasama siyang madre, guro, mahigit 200 trabahador at mga bata na hawak ngayon ng mga terorista.
Panawagan nito sa Pangulo, itigil na ang opensa ng militar sa Marawi at hayaan na lang ang mga terrorista na manatali sa siyudad, alang-alang sa kanilang kaligtasan.
By Meann Tanbio | With Report from Jonathan Andal
Photo Grabbed: Native A Mranao Facebook Page