Pinabulaanan ng Department of Health (DOH) ang kumalat na impormasyong maglalabas ng ulat ang kagawaran kaugnay sa pagtaas ng kaso ng COVID-19, dalawang araw bago ang halalan 2022.
Paglilinaw ng DOH, hindi nila ito gagawin at fake news ang impormasyon na gagamit pa umano ng kandidato para ihayag ang impormasyon.
Giit ng DOH, nananatiling low risk ang sitwasyon ng COVID-19 sa Pilipinas, dahil sa pagsunod ng publiko sa health protocols laban sa COVID-19.
Pangunahin ding dahilan ang pagbabakuna na nagresulta ng pag-average sa 195 ng naitatalang kaso at pagbaba ng bilang ng positivity rate sa 1.2%.