Fake news umano ang mga ulat na gumagamit ng holy alcohol ang Archdiocese of Pampanga.
Pahayag ito ng Catholic Bishops of the Philippines (CBCP) hinggil sa ulat na tinanggal na ang holy water sa entrada ng simbahan at pinalitan ito ng holy alcohol.
Ayon sa CBCP, wala ring katotohanan ang mga pinakakalat tungkol sa holy face mask, holy face shield, holy sanitizer, holy googles at holy PPE’s laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Posible anilang isang uri ito ng marketing strategy o gimik ng ilang nagbebenta.
Sinabi ng CBCP na tinanggal ang holy water na ginagamit sa pag sign of the cross pagpasok ng simbahan at isinara ang lalagyan dahil baka maging source pa ito ng pagkalat ng COVID-19.